by: Edjun Mariposque

                ****                           

1–2 minutes



Handa si Senador Lito Lapid na magbitiw sa kanyang posisyon kung mapapatunayang siya ay sangkot o protektor ng POGO operations sa Pampanga.

Ito ang kanyang pahayag sa isang pagdinig sa Senado tungkol sa mga iligal na aktibidad at human trafficking sa Bamban, Tarlac, at Porac, Pampanga, na niraid ng PAOCC at PNP.

Sa pagdinig, sinabi ni Porac Mayor Jing Capil na hindi pagmamay-ari ng senador ang 10-hektaryang lupain na tinayuan ng iligal na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Nilinaw ni Lapid na wala siyang kinalaman sa operasyon ng POGO na inaakusa ng isang hindi pinangalanang vlogger.

Binanggit ni Lapid na hindi niya dudungisan ang kanyang pangalan na matagal na niyang pinangangalagaan.

Ayon kay Lapid, nagsilbi siyang vice-governor ng Pampanga, tatlong terminong gobernador, at ikaapat na termino na niya bilang senador sakaling magwagi sa reeleksyon sa 2025 senatorial elections.

“Hindi ako papayag na masira ang pangalan ko dito,” ani Lapid.

Hiniling ni Lapid kay NBI Director Jaime Santiago na beripikahin ang impormasyon na ang vlogger na bumabatikos sa kanya ay sangkot sa iba’t ibang kaso at wanted ng batas.

Nauna rito, hiniling ni Lapid sa Senate committee on women, children, and family relations na isama sa imbestigasyon ang POGO operations sa Porac, Pampanga, at kasuhan ang mga sangkot sa mga karumal-dumal na krimen kaugnay ng iligal na POGO.

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending