by: BONG RIVERA                    

****                       

2–3 minutes



LAGUNA-Nasawi ang isang kadete ng isang maritime school sa Laguna matapos na ito ay “parusahan” ng kanilang senior class officer dahil sa maling pagkaka-react nito sa cadet messenger group chat.

Kinilala ang biktima na si    CDT. Vince Andrew   Delos Reyes, 19-anyos, taga  Barangay Tagumpay, Baco, Oriental, Mindoro at student cadet sa NYK-TDG Maritime Academy (NTMA) na nasa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna.

Ayon sa report ng Calamba City PNP, nangyari ang insidente noong   alas 5:00 ng July 8, Lunes,  subalit naireport lamang sa pulisya nitong madaling araw ng Martes.

Base sa imbestigasyon,  matapos kumain ng hapunan, kasama ng biktima ang  apat pang kaklaseng  kadete at nagpapahinga na sa kanilang  cabin o barracks nang ipatawag ito ng kanilang senior officer na isang  Nataniel sa kaniyang cabin  dahil umano sa   nagawa nitong “offense”.

Aksidente umanong nakapag-react ng thumbs-up ang  biktima     sa kanilang  conversation sa messaging group chat ng mga kadete.

Bilang punishment, pinagsagawa ito ng physical exercises ng suspek, subalit sa katagalan, nakaramdam ito ng pangangapos ng hininga hanggang sa tuluyang mag-collapse.

Agad itong dinala sa infirmary at binigyan ng CPR subalit patuloy itong sumama ang kalagayan at humina na ang paghinga at ang pulso  kaya isinugod na sa ospital.

Hindi na umabot pa ng buhay ang kadete sa pagamutan  at idineklarang dead on arrival ng doktor sa Global Care Medical Center Canlubang.

Agad namang inaresto ang suspek na kasalukuyang  nakakulong sa Calamba City Police Station locked up jail at nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending