****                           

1–2 minutes



Tinipon ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) ang isang cluster ng mga magmamais sa Laguna, ang Calamba Upland Farmers’ Multi-Purpose Cooperative (CUFAMCO) upang palakasin ang kanilang pagnenegosyo sa tulong ng Agro-Entrepreneurship Clustering Approach (AECA) na isinusulong ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program katuwang ang Jollibee Group Foundation.

Ang AECA ay isang proseso ng pagtuturo sa mga magsasaka ng mga estratehiya sa pagnenegosyo upang makapag-suplay sa mas malalaking mamimili gaya ng Jollibee Group Foundation. Mula sa pagiging prodyuser, layon nitong gawing negosyante ang mga magsasaka na nakasentro sa clustering at consolidation.

Kaugnay nito, noong ika-17 ng Hulyo ay kinapanayam ng F2C2 ang CUFAMCO para sa ikalawang hakbang nila sa AECA kung saan sinimulan nang buuin ang kanilang production module at cluster supply plan na naglalaman ng plano ng kanilang produksyon ng ipinagmamalaking dilaw na mais.
Ilan sa mga potensyal na institusyonal na mamimili na iniuugnay sa CUFAMCO ay ang LIMCOMA Multipurpose Cooperative at Luntian Feedmill para sa feeds, at Prifood Corporation kung saan ipoproseso ang kanilang mais para maging tsitsirya.

Inaasahan na sa ikatlong hakbang ng cluster para sa AECA ay haharap sila sa mga nasabing mamimili upang ipresenta ang dami ng kayang isuplay ng CUFAMCO. #### (Danica T. Daluz, DA-4A RAFIS)

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending