by: Edjun Mariposque

                ****                           

2–3 minutes

****


Calamba City, Laguna – Sa gitna ng mga hamon ng kalamidad at patuloy na pagbaha, dahil sa bagyong Carina, mahigit 70 pamilya mula sa, Laguna ang nabigyan ng agarang relief goods mula sa opisina ni Vice Gobernador Atty. Karen Agapay. Pinangunahan ni City Councilor Atty. Marky Oliveros ang pamamahagi ng tulong sa Rosario at Landayan Evacuation Centers, San Pedro, Laguna.

Sa kasagsagan ng pamamahagi, sinabi niya m ni Vice Governor Atty. Agapay sa kanyang FB post ang kanyang pasasalamat sa mga tauhan ng Office of the Vice Governor (OVG) na masayang nanguna sa pamamahagi ng tulong sa Siniloan at Mabitac, gayundin sa mga tumulong sa mga evacuation centers sa San Pedro. Aniya, “Appreciation post to our OVG Teams sa Siniloan at Mabitac. Likewise, sa Rosario at Landayan Evacuation Centers sa San Pedro City.”

Pinaalalahanan pa ni Agapay sila na “Inum agad ng gamot, at baka kayo naman ang magkasakit. Good job sa ating mga repackers, as well!”

Pinuri ni Atty. Agapay ang kasipagan at dedikasyon ng mga repacker na walang sawang nagtrabaho upang tiyakin na makarating ang tulong sa mga nangangailangan. Dagdag pa niya, mahalaga ang pag-inom ng gamot upang maiwasan ang anumang sakit lalo na sa panahon ng krisis.

Ang agarang agapay na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaan upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente sa gitna ng pandemya at iba pang kalamidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga boluntaryo, patuloy ang pagsisikap na magbigay ng suporta at pag-asa sa mga komunidad na labis na nangangailangan. (Photos: Jeremiah Madrigal)

#Edjun Mariposque

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

July 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending