****

                ****                           

3–5 minutes

(Sinadyang naka blurred ang photo ng karahasan)

“Hinampas ng bato sa mukha, gingilitan ng leeg…”

Ito ang nilalaman ng ibinahaging post sa social media ng isang babaeng ahente ng lupa ilang araw bago ang insidenteng kumitil sa kanyang buhay sa Lopez, Quezon—na ayon sa kanyang mga kakilala, tila naglalarawan ng kanyang sinapit.

Kinilala ang babae bilang si Efenia Dahunan Emprese, alyas Cassandra Sy, 50 anyos, residente ng Barangay Poblacion, San Andres, Quezon, at isang real estate agent.

Batay sa paunang impormasyon, nagtamo siya ng matitinding pinsala sa katawan at ginilit sa leeg.

Kasama rin niyang nasawi si Henry Cuyos Orongan, 50 anyos, residente ng Bucandala III, Imus, Cavite at San Andres, Quezon, na nagtamo rin ng mga seryosong pinsala.

Ayon sa mga kaanak at kaibigan, wala umanong kilalang kaaway ang babae kaya’t isa sa mga tinitingnang anggulo ang kaugnayan ng insidente sa kanyang mga transaksyon sa lupa.

Lumabas din na isang linggo bago ang pangyayari, nagbahagi ang biktima ng isang post sa social media  tungkol sa panawagan ng isang senador na ibalik ang parusang bitay sa bansa, kalakip ang paglalarawan ng isang malagim na krimen laban sa isang batang naganap sa Navotas City.

Dahil dito, may ilan sa kanyang mga kakilala ang nagsasabing tila may “premonition” ito—bagama’t wala pang kumpirmasyon ang mga awtoridad hinggil dito.

Sa naunang ulat, nadiskubre ng mga residente bandang alas-8:00 ng umaga ang dalawang biktima na nakahandusay sa damuhan sa gilid ng Lopez Diversion Road sa Brgy. Danlagan.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Lopez, agad nilang kinumpirma ang insidente at tiniyak na nananatiling maayos ang sitwasyon sa lugar habang patuloy ang koordinasyon sa kapulisan.

Batay naman sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:00 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Lopez Municipal Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay ng insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na habang nakaupo ang dalawang biktima sa isang concrete barrier, nilapitan sila ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo at doon isinagawa ang krimen.

Nakasuot umano ng itim na jacket ang driver habang naka-itim na t-shirt ang backrider, na agad tumakas patungong direksyon ng Calauag matapos ang insidente.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nananatiling pinaghahanap, gayundin ang motibo sa krimen.

Samantala, nananawagan ng agarang hustisya ang pamilya, mga kaanak, at mga kaibigan ng dalawang nasawi.

#EdjunMariposque

#CalambaCityUpdates

#NewsStringerTV

#NSTV

#CCU

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥
DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

April 2026
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending