by: BONG RIVERA                    

****                       

4–5 minutes

QUEZON — Ipinatigil ang operasyon at ipinasara ng Provincial Mining and Regulatory Board (PMRB)na pinangunahan ni  Technical Head PMRB Mr.Nicasio “Jay-Ar”Maranan Jr.at National Bureau of Investigation LUCDO-NBI District Office na pinamumunuan ni Atty.Ely Tolentino ang isang small scale gold mining sa may bahagi ng Barangay Mapulot sa bayan ng Tagkawayan dahil sa iligal na operasyon nito.

Sa isinagawang sorpresang inspeksyon at operasyon ng PMRB at NBI ay naaktuhan ng mga awtoridad na patuloy ang isinasagawang operasyon ng minahan sa kabila ng unang sabihan at bigyan ng babala na tumigil ito sa kanilang operasyon dahil sa kakulangan ng mga kaukulang permiso.

Halos mahigit ng isang taon ng nagooperate ang minahan subalit ng mapaso at matapos ang kontrata at kaukulang permiso nitong Marso 7 2026 ay pinatigil na ito sa pamamagitan ng Cease and Desist Order ng PMRB.

Subalit sa kabila ng pagpapatigil sa operasyon ng minahan ay palihim at patago itong nagsasagawa ng operasyon na nakaabot sa kaalaman ng kinauukulan kung kaya nagsagawa ng operasyon ang PMRB at NBI upang tuluyan ng mapatigil ito at maipasara.

Sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad tumambad dito ang 25 butas na may  45 talampakan/45 meters ang lalim na ang bawat butas ay 12 minero ang nagsasagawa ng paghahanap at pagmimina ng ginto.

Natuklasan din ng PMRB at NBI ang kawalan ng safety sa mga hukay dahil sa kakulangan ng mga kagamitan sa pagmimina na halos lahat ay manu-mano ang ginagawa sa paghuhukay at kakulangan ng mga tukod upang hindi gumuho ang lupa at isang kumpresor lang din ang ginagamit upang makakuha ng hangin at makahinga sa ilalim ng lupa ang mga minero at lubid lamang ang ginagamit sa paglusong at pagahon sa hukay na  maaaring  magdudulot ng panganib sa buhay ng mga minero.

Nasa 50 katao na minero ang nagtatrabaho sa nasabing minahan na ang lupang pinagmiminahan ay may lawak na isang ektarya at kalahati na may burol at bulubundukin.

Ayon sa may ari ng lupa ay noong taong 2000 nagumpisa na pagminahan ang kanyang lupa at taong 2013 ay ipinatigil ito dahil sa alitan at pagaawayan ng mga minero ma nauwi sa kaguluhan.

Muli itong binuksan at nagpatuloy ang operasyon ng pagmimina matapos mawalan ng hanapbuhay ang mga tao sa lugar.

Ayon sa may ari ng lupa nakakuha naman sila ng permit subalit nagkaroon ng problema dahil sa pagkakasangkot ng tatlong kumpanya na nagbabayad at umuupa sa kanyang lupa sa naturang operasyon.

Base naman sa pahayag ng barangay kapitan muling bumalik ang operasyon ng minahan noong Abril 2025,kung kaya humingi na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa PMRB at NBI upang mapatigil at maipasara ito ng tuluyan.

Dagdag pa ng barangay official na hintayin na lamang ng mga minero ang isinasagawang pagkuha ng LGU ng mga kaukulang permiso sa minahan dahil plano ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Tagkawayan na gagawin ito isang kooperatiba at tatawaging “Minahan ng Bayan” na ang makikinabang dito ay ang mga taga barangay at hindi na kailangan pa ng financer na mamumuhunan dahil ang lokal na pamahalaan na ang mamahala at magpapatakbo ng operasyon ng minahan.

Bago tuluyang ipinasara ng PMRB at NBI ay kinausap nito ang mga minero at ang isa sa financer ng minahan na si Manilyn Calingasan Ogay na residente ng Magallanes Cavite kasama ang barangay official,at binigyang babala ang mga ito na sakaling maaktuhan pa sila at ipinagpatuloy ang iligal na pagmimina ay aarestuhin at kakasuhan na sila at ikukulong.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

May 2026
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending