**** by: Edjun Mariposque

                ****                           

4–5 minutes


CAMP VICENTE LIM, Mayapa, Laguna — Pinaiigting ngayon ng Police Regional Office CALABARZON sa pangunguna ni PBGEN Hansel Marantan ang kampanya laban sa mga indibidwal na sangkot sa rape at iba pang sexual offenses sa ilalim ng “Oplan Bantay Dangal.”


Sa isinagawang press briefing, nagpahayag ng pagkabahala si Marantan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng sexual offenses sa rehiyon, kung saan umaabot umano sa limang kaso kada araw ang naitatala sa CALABARZON.


Ayon kay Marantan, mula Mayo 22 hanggang Mayo 25, 2026 ay nakapagtala ang PRO CALABARZON ng kabuuang 118 sex offenders na naaresto sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Sa bilang na ito, 103 ang nadakip sa pamamagitan ng pagpapatupad ng warrant of arrest habang 15 naman ang nahuli sa intelligence-driven police operations.


Pinakamaraming kaso ang naitala sa Quezon Province na may 44 kaso, sinundan ng Cavite na may 23 kaso, Batangas na may 15 kaso, Laguna na may 11 kaso, at Rizal na may 10 kaso.


Binigyang-diin ni Marantan na mahalagang maipagpatuloy ang mas pinaigting na operasyon laban sa mga sex offenders upang maprotektahan ang publiko at mapababa ang bilang ng mga kaso ng pang-aabuso. Inihalintulad niya ang operasyon sa “Oplan Galugad” na nakatuon din sa agresibong kampanya laban sa kriminalidad.


Ayon pa kay Marantan, layunin ng PRO CALABARZON na makamit ang “zero rape case” sa rehiyon sa pamamagitan ng mas mahigpit na law enforcement operations at pakikipagtulungan ng komunidad.

Hinikayat din niya ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng mga hotline ng PNP upang mabilis na maaksyunan ang mga insidente ng pang-aabuso at karahasan.


Aniya, kabilang sa mga nakikitang dahilan ng pagtaas ng sexual offense cases ang kahirapan, ilegal na droga, at mga problemang pampamilya.


Nagbabala rin si Marantan sa mga patuloy na gumagawa ng sexual offenses at iba pang krimen.


“Kung ayaw ninyong tumigil, huwag ninyong hintayin na kami pa ang pumigil sa inyo. Gagawin namin iyon kung iyon lang ang paraan para mapatigil kayo. Kaya namin kayong pabagsakin. Baka ang kinatatakutan ninyo ay mga mamamatay-tao — hindi kami mamamatay-tao, pero kaya namin kayong pabagsakin,” pahayag ni Marantan.


Nilinaw din niya na ang lahat ng mga naaresto ay may umiiral na warrant of arrest at dumaan sa masusing background checking at beripikasyon sa pamamagitan ng E-Warrant system ng PNP upang matiyak ang legalidad ng bawat operasyon.


Samantala, tiniyak ng PRO CALABARZON na may mga ligtas na espasyo, reporting mechanisms, at psychological interventions para sa mga biktima ng pang-aabuso upang matulungan silang makarekober mula sa trauma at mapabilis ang pagbibigay ng hustisya.


Dumalo rin sa naturang press briefing sina PCOL Mario L. Mayames Jr. at PCOL Glenn D. Lonogan.

#EdjunMariposque

#CalambaCityUpdates

#NewsStringerTV

#NSTV

#CCU

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥
DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2026
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending