by: BONG RIVERA                    

****                       

2–4 minutes

QUEZON — Apat ang patay habang 11 ang sugatan matapos araruhin ng isang wing van truck ang isang lamayan sa tabi ng Maharlika Highway sa may Sitio Tumpukan, Barangay Ibabang Palsabangon sa bayan ng Pagbilao nitong Lunes ng gabi.

Base sa report ng Pagbilao Municipal Police Station, nawalan ng kontrol ang truck na patungong northbound matapos umanong makatulog sa manibela ang 24-anyos na truck helper na siyang nagmamaneho nang maganap ang insidente.

Nabatid sa imbestigasyon na ipinasa ng orihinal na driver ang manibela sa kaniyang helper upang makapagpahinga muna ito.

Gayunman,lumihis at kumabila sa kabilang linya ng kalsada ang truck at tuloy-tuloy na sinagasa ang mga taong nakikipaglamay sa burol na nasa gilid ng kalsada.

Bago tuluyang sumalpok sa isang puno, sunod-sunod ding inararo  ng truck ang isang jeep, tatlong motorsiklo, dalawang traysikel, at mga kagamitan sa burol gaya ng mga upuan at mesa.

Agad na nasawi sa pinangyarihan ng aksidente ang dalawa sa mga biktima matapos maipit sa ilalim ng sasakyan, habang ang dalawa naman ay idineklarang dead on arrival sa magkahiwalay na ospital dahil sa matitinding pinsala sa katawan.

Dinala naman sa pagamutan ang siyam na iba pang naglalamay, kabilang ang dalawang menor de edad, maging ang driver at helper ng truck na kapwa nagtamo ng mga minor injuries.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa paghahain ng kaukulang kaso, habang pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao ang paghihigpit sa paglalagay ng mga kanupe o kubol sa mga lamayan malapit sa national highway at ang pagrepaso sa umiiral na speed limit ng mfa sasakyan sa parte ng kabayanan.

#BongRivera

#EdjunMariposque

DREAMSTAR TV

🏥 PANHERO ANG TAMANG LANDAS DRUG REHABILITATION AND TREATMENT CENTER 🏥

DOH Accredited: 4A-003-2325-DR-2
📍 Sta. Rosa-Tagaytay Road, Brgy. Lumil, Silang, Cavite

At the Panhero Tamang Landas Rehabilitation Center, we are not just a rehabilitation center. In addition to prioritizing improvement and recovery, we also emphasize the value of education. We are now offering ALS and TESDA short courses for our patients to pursue, whether they are currently at the center or after completing their required stay for recovery.

TOP REHABILITATION FACILITY
🏆 Gintong Parangal
🏆 Philippines Golden Eagle Awards
🏆 Asian Top Choice Awards

HIGHLIGHTS
✅ Air-conditioned Facility
✅ Admin Room
✅ Comfortable Bedrooms with 4 patients maximum per roof
✅ Clinic and Pharmacy
✅ Family Room for Engagements and Life Coaching

SERVICES
✔️ Individual Counseling Sessions
✔️ Group Therapy Sessions
✔️ Medication Assisted Treatment
(Manage withdrawal symptoms and reduce cravings)
✔️ Medical Exams and Laboratories (Complete package)
A. Physical Examination
B. X-ray, ECG, VDRL etc.
C. Drug Test
D. Drug Dependency Exam
✔️ Psychiatric and Psychological Evaluation
✔️ Family Therapy Sessions
✔️ Life Skills Training
✔️ Recreational Activities
✔️ Spiritual Program
✔️ Alternative Learning System (ALS) DEPED
✔️ Skills Training (TESDA Certificate)
✔️ Aftercare Program

24/7 CARE ASSISTANCE
🏥 Mental Care Treatment with Licensed/Accredited Professionals
🏥 Dental Care
🏥 Laboratory & Diagnostic Care
🏥 Pharmaceutical Care

AMENITIES & OTHER ACTIVITIES
🍿 Movie
👯 Zumba Session
🎹 Piano
🏋🏻‍♂️ Gym and Physical Fitness Equipment
🎱 Billiard and Pool table
🏓 Table Tennis Table
🏀 Basketball Court
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
♟️ Board games
🎸 Drums and Guitars
🌿 Gardening

PAYMENTS
💳 Credit cards
💳 Grab Pay QR Code
💳 BDO Pay
💳 GCash
💳 Alipay
💳 Maya

CALL TO CONTACT
☎️ PLDT: (046) 889-8978
☎️ SMART: (0999) 990-9096
☎️ GLOBE: (0917) 539-8883

Start your recovery with us TODAY!






Contact #: 09171180238

June 2026
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending