Ni: Madeliene B. Marasigan
Ayon kay Philippine Cancer Society Director Rom Marcaida ang cancer ang ikalawa sa dahilan ng maagang pagpanaw dito sa pilipinas maging sa buong mundo. Noong taong 2020-2021 ay humigit kumulang sa 50 libo katao ang namatay dahil sa cancer.
Ayon pa kay Marcaida, ang pinaka karaniwan sa mga kababaihan ang pagkakaroon ng breast at cervical cancer at batay sa pagaaral anim lamang sa sampung nagkakaroon nito ang nakakaligtas.
Binigyan diin ni Dr. Rom ang kahalagaahan ng pagkunsulta sa mga espesyalista upang agarang masuri lalo higit kung may mga sintomas o kakaibang nakikita sa katawan.
Ibinahagi ni Dr. Marcaida ang ilan sa pagsusuri para sa kanser sa suso; 1. Sariling Salat sa Suso (SSS)-ito ay isang minuto ng pagsalat sa suso ng nakatayo, nakataas ang kamay at nakaharap sa salamin o maari rin naman nakahiga at mas mainam na gawin kung walang buwanang dalaw o regla. Ang paraan naman ng pag salat sa suso ay TKP T-tingnan kung magsing laki kung hindi ay ayus lamang basta hindi magkalayo ang size, kung may makitang dimple ay agarang magpakunsulta, K-kapa gamit ang tatlong daliri kapain ang suso ng paikot o pataas baba sa iisang direksyon, P-pisilin ang utong kung may lumabas ng likido, dugo o nana ay agarang magpakunsulta. 2. Clinical Breast Examination- ito ay ginagawa ng doctor, nurse, at iba pa sa loob sa klinika o ospital.
Ang cancer ay hindi dapat katakutan, hindi ito isang death sentence. Ang cancer ay nagagamot lalo’t higit kung ito ay maagang nalaman kayat regular na kumunsulta sa inyong mga doctor.
Ang Cervical Cancer ayon sa pagaaral ang ikalawa na tumatamang sakit sa mga kababaihan.
Ayon kay Philippine Cancer Society Director Dr. Marcaida may 6 na uri ng cancer at ang tatlo dito ay maaring maagapan, isa na nga dito ang cervical cancer.
Ayon pa kay Dr. Marcaida ang cervix ay nagsisilbing daanan ng mga fluids tulad ng menstrual period at gayundin ng baby o sanggol kapag manganganak, ang cervix din ang nagdadala ng semen pataas sa matris kaya kung may sakit ang cervix ay mahihirapang mabuntis.
Ang pagkakaroon ng impeksyon sa cervix ay dulot ng Human Papilloma Virus (HPV). May bakuna na maaring pumigil sa impeksyon at maaring magprotekta laban dito.
Ayon pa rin kay Dr. Marcaida maaring maagapan ang pagkakaroon at maaring paglala ng cervical cancer kung maagap itong malalaman sa pamamagitan ng cervical screening na may dalawang pamamaraan papsmear at Visual Inspection with Acetic acid (VIA) na isinasagawa sa klinika.
Mainam po na palagiang kumunsulta sa ating mga espesyalita upang maagapan ang anu man maaring pagmulan ng karamdaman….ika nga “Prevention is better than Cure”.
- MGA PINOY NA SANGKOT SA PANG-AABUSO ONLINE SA MGA MINOR SA SURIGAO DEL SUR HINDI NAG-IISA, IBA PANG SUSPEK TINI-TRACE NA RIN NG NBI
- MAGSASAKA ARESTADO SA ILIGAL NA BARIL
- Reliable Water Supply Reaches St. Paul Compound in Calamba
- Free Lab Testing Drive Reaches Day 3 in Santa Rosa, Benefits Hundreds of Laguna Residents
- Enchanted Kingdom welcomes pets and animal lovers to a magical, inclusive one-day Pets Day event
- PBBM Opens New CALAX Segment, Slashing Travel Time Between Laguna and Cavite
- 9-Year-Old Calamba Prodigy Mykha Mendoza Brings Pride to PH at International Performing Arts Competition in Thailand
- DAMBUHALANG BLUEFIN TUNA, NAHULI NG MGA MANGINGISDA SA QUEZON
- Cayetano Backs Tuition Freeze, Urges Universities to Protect Filipino Students Amid Rising Costs
- MAHIGIT 4.5 M HALAGA NG SHABU NASABAT SA ISANG DELIVERY RIDER
- Dispatcher Killed in Los Baños Shooting; Jeepney Driver Arrested After Swift Police Operation
- MAG-AAMA PATAY SA SUNOG ISA NAKALIGTAS
- Cayetano Urges Full Probe on Flood Control Issue, Warns Against Focusing on ‘Partial’ Senate Report
- CITIZEN REPORT LEADS TO DISCOVERY OF SHABU LAB IN MABALACAT, PAMPANGA
- 15-Minute Travel, Unlimited Potential: Parañaque Eyes Growth with CAVITEX C5 Link Completion
- We Hope Medical Group, Gov. Sol Aragones Launch Free Chemotherapy Center in San Pablo, Expanding Cancer Care in Laguna
- PDEA, PNP DISMANTLE DRUG DEN IN BALAYAN, BATANGAS, FOUR DRUG PERSONALITIES ARRESTED
- HVI Suspect Nabbed in Calamba Buy-Bust; ₱346,800 Worth of Shabu, .45 Pistol Seized
- QUEZON PULIS MULING NAKASABAT NG 3.7 MILLION HALAGA NG SHABU
- BEBOT ARESTADO SA MAHIGIT 2.1M HALAGA NG SHABU
























Leave a reply to Stephanie Beatrice B. Marasigan Cancel reply