Ini-ulat ni Rizal PPO, Provincial Director, Police Colonel Dominic L Baccay kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C Nartatez Jr. ang pagkakaaresto sa Most Wanted Person ng CALABARZON.

Kinilala ni Police Colonel Baccay ang akusado na si EDGAR REBAYA @EDGARDO REBAYA y LORETO, limampu’t dalawang taong gulang at naninirahan sa Antipolo, Rizal.
Base sa ulat, nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Antipolo CPS, CIDG RIZAL PFU, PIU RIZAL, 404th A MC RMFB4A, 34SAC/SAB PNP-SAF at PIT RIZAL RIU4A dakong 1:00 PM February 6, 2023 ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay matagumpay na naaresto bandang 5:00PM ng parehong araw sa Pagrai Hills, Brgy Mayamot, Antipolo City, Rizal.

Pinaalalahanan naman ang akusado ng kanyang karapatan at kasalukuyang nakapiit sa CIDG RIZAL PFU Custodial Facility para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.
Pinuri ni PCOL BACCAY ang mga kapulisan sa isinagawang matagumpay na man hunt operation ani PCOL BACCAY “basta sama sama ay kayang kaya “na kanya ring leadership agenda ang team effort at kalingang Rizal PNP.
###
“Life is Beautiful. Kaligtasan Nyo Sagot Ko…Tulong-tulong Tayo”







Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.