Ayon sa ulat ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR, nasa tinatayang 17.50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng nasa P120,750.00 ang nasabat ng mga operatiba ng Batangas City Police Station sa ikinasa nitong buy-bust operation ganap na ika-12:53 ngayong umaga ng Marso 3, 2023 sa Brgy. Bolbok, Batangas City.

Kinilala ang naarestong street level individual (SLI) at pusher na si alyas Jennifer, 40 taong gulang, at residente ng naturang lungsod. Ayon sa Barangay Intelligence Network (BIN), ang naturang suspek ang pinagmumulan ng iligal na droga sa kanilang Barangay at kalapit na Barangay.

Isasailalim sa pagsusuri ng Batangas Provincial Forensic Unit ang mga narekober na ibedensiya. Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang suspek.

“Iwaksi ninyo ang iligal na droga dahil wala itong maiidulot na maganda sa inyong buhay. Hindi iyan ang solusyon upang ang inyong buhay ay maging maganda. Pagsumikapan ninyo ang pagkakaroon ng maayos na buhay at narito lamang kami para kayo ay tulungan. Marami ang aagapay sa inyo tulad ng inyong kapulisan.”. –PCOL SOLIBA







Leave a comment

Trending