by: Edjun Mariposque                ****   

2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawa na drug personalities sa anti-illegal drug buy-bust operation ng Pulis Cabuyao noong Abril 25, 2024.

Kinilala ni Police Colonel GAUVIN MEL Y UNOS, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sina alyas Amy nakatala na HVI (High value individual) alyas Arlyn LSI (Street Level individual) at si alyas Neeka pawang mga residente ng Calamba, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL JOHN ERIC B ANTONIO, hepe ng Cabuyao Component City Police Station nagkasa ang kanilang mga operatiba ng drugs buy-bust operation Abril 25, 2024 dakong 9:22 ng umaga sa Brgy. Sala, Cabuyao City, Laguna na nag resulta sa pagkakaaresto ng mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na police poseur buyer kapalit ang marked money.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 58 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang PhP394,000.00, isang (1) pirasong weighing scale, isang (1) unit Samsung cellphone color brown, isang (1) pirasong sling bag, isang (1) pirasong sun glasses color red, isang (1) pirasong five-hundred-peso bill PhP500.00 at isang (1) unit ng Huawei cellular phone color blue.

kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabuyao CCPS ang mga arestadong suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

Sa pahayag ni PCOL UNOS “Magsilbing babala sana ito sa mga kababayan natin na patuloy sa pagtangkilik sa iligal na droga, katuwang ng kapulisan ang komunidad sa laban na ito kaya mas nagiging matagumpay ang kampanya laban sa iligal na droga.” #gtgtalampas

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

April 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.