ni: BONG RIVERA                ****          

2 minutes

QUEZON-Naaagnas na nang matagpuan ang katawan ng isang babae sa kwarto ng Summer Capital Inn nakabase sa Racelis Ave. Brgy 2 bayan ng Lucban, nitong Linggo, April 28 2024.

Base sa report ng Lucban PNP na pinamumunuan ni PMAJ Java, kinilala ang bangkay na si Maria Joy Rachelle Avellano nasa hustong edad at residente ng Brgy 2, bayan ng Lucban at isang online seller.

Nagreport umano sa pulisya ang caretaker ng Summer Capital Inn na si Samsodin Pagal, 31 anyos matapos mapansing dalawang araw at kalahati nang hindi lumalabas at nakikita ang biktima sa kwartong nirentahan nito.

Nang rumesponde ang awtoridad, nakadouble-lock ang kwarto at nang pwersahang buksan ng mga pulis ang pintuan ng kwarto ay doon na tumambad ang decomposition at nangangamoy ng katawan ng babae.

Sa inisyal na imbestigasyon, nirentahan ng biktima ang kwarto noong April 14, 2024 at ayon naman sa mga kaanak ng biktima, may sakit na epilepsy umano ang babae.

Ayon pa kay Maj. Java sa paliwanag ng kaanak ng online seller kung kaya nagsosolong namumuhay ito ay dahil sa kakaiba umanong paguugali nito na hindi makasundo ng mga kaanak kaya naman palipat lipat na umano ito ng tinutuluyan. 

Sa isinagawang eksaminasyon ng SOCO sa bangkay ay walang makitang foul play sa nangyari.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

April 2024
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.