Ni Madeliene B. Marasigan
Pagsanjan, Laguna-” Ang negosyo ay palakasin trabaho ay paramihin, aasenso ang Pagsanjan” pahayag ni Pagsanjan Mayor Cesar Areza sa kanyang panayam sa isinagawang Kapihan sa Pagsanjan noong nakaraang Martes ika-4 ng Oktubre 2022 na ginanap sa Bera and Basuti Asian Cuisine Restaurant CLA Mall Ground Floor, Brgy. Biñan Pagsanjan, Laguna.
Hindi pa man sumasapit ang ika-isang daang araw ng panunungkulan ni Mayor Areza ay marami ng programa ang kanyang inilatag upang mapaunlad ang bayan ng Pagsanjan at ang ilan dito ay kanya ng nasimulan.
Ayon kay Mayor Cesar Areza, sinimulan niya ang paglilinis at pag aalis ng basura sa bayan ng Pagsanjan upang maging ligtas ang mga mamayan sa mga karamdaman lalot higit ay sa dengue, “ang kalinisan ay nagawa natin isa ito upang mapalakas ang ating turismo” ani Areza.
Ayon pa kay Mayor Areza, may mga pagaaral at seminar na isinagawa para sa mga bangkero upang sila ay matutong maging tourist guide at higit na mapasaya at maaliw ang mga turista. “ ngayon buwan na ito ay bubuksan po natin ang one stop shop pasalubong kung saan ay mabibili ang mga produktong yari dito sa Pagsanjan” dagdag ni Areza.
Ayon pa rin kay Mayor Areza, upang maingatan ang 123 taong arko na isa sa tourist spot ng bayan plano niya na magkaroon ng by-pass road upang doon na dumaan ang mga malalaking sasakyan.
Pagsasaka ang isa sa ikinabubuhay ng mga mamayan ng Pagsanjan kaya naman pangako ni Mayor Areza na magdaragdag ng mga farm-to-market roads, pasilidad na pang agrikutura at tulong teknikal at mga makabagong estratehiya upang dumami ang ani at lumaki ang kita.
Ikinatutuwang ibinalita ni Mayor Areza na nag alok ng tulong ang mga senador upang gawing kongkreto na ang hanging bridge sa Brgy. Magdapio.
Ibinahagi rin ni Mayor Areza na maraming mga investor ang nais maginvest sa bayan ng Pagsanjan, ayon pa sa Mayor ay malapit ng maitayo ang SM City at Sky Ranch na higit na makakadagdag sa bilang ng mga turistang bibisita sa kanilang bayan.
Upang matugunan ang kakulangan sa hanap buhay ay nais ni Mayor Areza na magkaroon ng Economic Zone na magbibigay ng maraming trabaho at pagkakakitaan sa kanyang nasasakupan at sa mga karatig bayan.
Nabangit din ni Mayor Areza ang mga programa para sa mga senior citizen tulad ng Zumba upang maging aktibo ang mga lolo at lola, medical mission, at kung maraming mga investor at establisimento ang maipatayo ay maaring maipakiusap na makapagtrabaho ang senior citizen sa abot ng makakaya nito.
Sa huling pananalita ni Mayor Areza ay hinihiling niya na suportahan ng kanyang mga kababayan ang kaniyang mga programa “dahil tayo po ang unang haharap sa ating mga turista at investor, pag ayan po ay ating pinagyaman siguradong tayo po ang makikinabang, mahalin po natin ang ating likas na yaman, patuloy natin ipanalangin ang bayan ng Pagsanjan at kumilos upang matupad ang ating pangarap” ani Areza.
- FACEBOOK, TIKTOK, AT IBA PANG SOCIAL MEDIA PLATFORMS, GUSTONG PAKUHANIN NG PRANGKISA NI CONG.SUAREZ
- QUEZON PULIS, PINALALAKAS ANG SCHOOL SAFETY SA PAMAMAGITAN NG B.E.S.T. ALERT AND RAPID RESPONSE SYSTEM
- TULAK NG DROGA AT MAGNANAKAW NG MANOK NA PANABONG ARESTADO
- 5,000 Farmers, Fisherfolk Receive Rice Aid; 2,076 Sacks of Fertilizer Distributed in Calamba
- 149K NA HALAGA NG SHABU, ISANG LALAKI NA SLI, ARESTADO NG DDEU SA CALOOCAN
- Cayetano nagbabala sa pagbabago ng voting threshold sa impeachment trial
- Suspect in Death of 20-Year-Old Student in Calamba Arrested; Homicide Case Filed
- PDEA, PNP, PCG SEIZE ₱40.8M WORTH OF SHABU IN TAYTAY BUY-BUST; HEAVILY ARMED DRUG SYNDICATE NEUTRALIZED
- Cayetano pabor sa pagsali ng Pilipinas sa maritime rescue treaty para protektahan ang Filipino seafarers
- ATM NG BANGKO TINIRA NG TERMITE GANG
- 49 Calambeños Receive Land Titles, Bringing Homeownership Dreams to Reality
- PDEA, PNP BATANGAS DISMANTLE DRUG DEN IN SAN JUAN; 3 ARRESTED
- ₱10.8 M National Fund Boosts 54 Calamba Barangays Under ‘Bawat Bayan Makikinabang’
- Three Women Arrested in Calamba for Alleged Illegal Tong-its Gambling
- Mayor Ross Rizal Brings Relief, Walkways to Flood-Affected Families in Calamba
- Calamba Police Arrest 45-Year-Old Man, Seize ₱3,400 Worth of Suspected Shabu in Looc
- Calamba Police Arrest 50-Year-Old Man in STL Bookies Operation
- MENOR DE EDAD NA LALAKI AT ISA PA PATAY SA PAMAMARIL
- SM Group receives 15 Philippine Quill Awards for stakeholder communications
- Calamba City Police Station Named Laguna’s Best Component City Police Station for August

























Leave a comment