Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Online Seller sa ikinasang buy bust Operation ng Biñan CPS kahapon, Nobyembre 10, 2022.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Niño, Online Seller na residente ng Biñan City, Laguna.

Ayon sa ulat ng Binan City Police Station ay nagsagawa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation bandang 1:10 ng madaling araw, Nobyembre 11, 2022 sa Zamboanga St., South City Homes Subd., Brgy. Sto Tomas, Biñan City, Laguna na nauwi sa pagkaaresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa poseur buyer kapalit ang buy bust money.

Nakumpiska sa suspek ang tatlong (3) pirasong plastic sachet ng hinihinalang droga na may timbang na humigit kumulang na 2 gramo at nagkakahalaga ng Php 13,000.00, isang (1) piraso na coin purse, Php 500.00-peso bill buy bust money, at Three Hundred and Twenty Pesos (Php 320.00) suspected drug money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Binan CPS ang naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ibidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination at nahaharap ang suspek sa kasong R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa illiegal na droga ay patuloy pang lumalakas sa tulong ng ating pamayanan na walang sawang sumusuporta sa ating mga kapulisan para sa kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng lalawigan.”. #gtgtalampas

#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiMo
#pnp4a





Leave a comment

Trending