Ginawaran ng sertipiko ng pagkilala sina Police Lieutenant Colonel DWIGHT F FONTE JR, hepe ng Batangas City Police Station; Police Major Domingo D Ballesteros Jr., hepe ng Balayan Municipal Police Station; Police Major RICAREDO D DALISAY, hepe ng San Pascual Municipal Police Station; at Police Major JOHN LEO P CUASAY, hepe ng Agoncillo Municipal Police Station sa kanilang naging kontribusyon sa pangkalahatang tagumpay ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR.

Ang SACLEO ay mas pinaigting na all-out police operations upang mapanatili at mapahusay ang pagsisikap ng gobyerno na puksain ang iligal na droga, iligal na pagsusugal, loose firearms, at iba pang krimen sa buong bansa gayundin ang paghuli sa mga wanted persons.

Ang naturang pagkilala sa mga police stations na nanguna sa pagsasagawa ng SACLEO sa buwan ng Nobyembre ay iginawad alinsabay sa isinagawang Traditional Monday Flag Raising, Awarding Ceremony, Visitation, Special Occasions, and Religious Program ng Batangas PPO kung saan pinangunahan ni Mr. Manolo P Agojo, Chairman ng Agojo Batang-Gaas Corporation na tumayong panauhing pandangal sa naturang seremonya.

“Salamat po sa ating panauhing pandangal na nagbigay ng inspirasyon sa kapulisan ng Batangas PPO. Makakaasa po kayo na pananatilihin namin ang paglilingkod na may karangalan at katarungan nang sa gayon ay patuloy naming maisakatuparan ang pagkakaroon ng kaayusan, kapayapaan tungo sa kaunlaran ng ating pamayanan.” –PCOL SOLIBA
###piobatangasppo###
#TeamPIO





Leave a comment

Trending