Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagsalubong ng Taong 2023 sa probinsya ng Batangas. Ito ay bunsod na rin ng pinaigting na law enforcement operations at kampanya sa Iwas Paputok ng Batangas Police Provincial Office sa pamumuno ni BPPO Provincial Director PCOL PEDRO D SOLIBA sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Regional Office CALABARZON Regional Director PBGEN JOSE MELENCIO C NARTATEZ JR.

Bagamat may naitalang isang insidente ng iligal na pagpapaputok ng baril noong Disyembre 26, 2022 sa Brgy. Bulihan, Rosario, Batangas kung saan ay agad namang naaresto ang suspek, maituturing na mapayapa pa rin ang naging pagdiriwang ng Bagong Taon lalo na at walang naitala na naging biktima ng ligaw na bala sa buong probinsya ng Batangas habang wala ring naitalang firecrackers-related injuries.

Samantala, nasa higit kumulang P104,476.00 halaga ng mga paputok tulad ng kwitis, skyrocket, fountain, lucis, judas belt, at piccolo ang nakumpiska dahil sa mga hindi awtorisadong pagbebenta ng mga ito. Nasa 49 na mga improvised na boga naman ang naiturn-over sa kapulisan ng Batangas City Police Station at Rosario Municipal Police Station.

“Isang maligaya at masaganang Bagong Taon sa ating lahat. Mula sa hanay ng kapulisan ng Batangas ay taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong pakikiisa sa ligtas at mapayapang pagsalubong ng Taong 2023. Makakaasa po kayo sa patuloy naming paglilingkod upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan tungo sa mas maunlad na pamayanan. Natapos man po ang pagdiriwang natin ng Yuletide Season, patuloy po tayong magmalasakit sa isa’t isa”. –PCOL SOLIBA
###piobatangasppo###
#LifeIsBeautiful
#KaligtasanNyoSagotKo
#TulongTulongTayo
#MKKequalsK
#PNPKakampiNyo
#TeamPIO







Leave a comment

Trending