Laguna PD PCol. Randy Glenn Silvio nagikot sa Lalawigan ng Laguna sa kabila ng hagupit ng Bagyong Paeng upang tugunan ang mga kababayan natin na nasalanta at stranded dahil sa baha. (Edjun)


BASAHIN:Sa kasagsagan ng bagyong PAENG Nagsagwa pag iikot ang Laguna PNP sa pangunguna ni Laguna Provincial.Director PCOL. Randy Glenn G. Silvio kasama sina PMaj. Gaspar FV 2nd PMFC,PMaj. Jarabero III Cop Famy at PCpt Jangalay COP sta.Maria nakung saan tinungo ni PD Silvio ang mga bayan ng Mabitac at Sta Maria Road na binaha.. at madaming motoristang hindi na nakalis sa masabing lugar..tinungo din si PD Silvio ang mga evacuation center upang tignan ang kalagaan ng mga inilikas sa nasabing mga lugar. // ✍️roy tomandao


Laguna PNP, Rumesponde sa mga nasalanta ng bagyong “Paeng”

Kampo Heneral Paciano Rizal – Laguna PNP Rumesponde sa mga nasalanta ng bagyong “Paeng” sa panguguna ni PCOL RANDY GLENN G SILVIO, Officer-in-Charge ng Laguna PPO.

October 29, 2022 ng magsimulang magparamdam ang bagyong Paeng sa buong lalawigan ng Laguna.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services and Administration o ang PAGASA, bandang 9:28 ng umaga idineklarang signal number 3 ang lalawigan ng Laguna at inabisuhan na ang Laguna ay kabilang sa “Orange Rainfall Alert” na ang ibig sabihin ay kailangan ng maghanda para sa anumang mangyayari sanhi ng bagyong Paeng.

Maraming bayan ang naapektuhan dahil sa bagyo, isa na dito ang bayan ng Sta. Cruz kung saan natatayo ang Laguna Police Provincial Office at marami pang bayan sa Laguna ang lubhang naapektuhan.

Sa kabila ng lahat, sa pangunguna ni PCOL SILVIO, hindi nito napigilan ang Laguna PNP upang rumesponde at tumulong sa mga bayan na nasalanta kabilang na dito ang pagsasagawa ng road clearing operation kung saan maraming puno ang natumba dulot ng bagyong Paeng, search and rescue operation sa buong lalawigan ng Laguna. Nagsagawa din ang Laguna PNP ng retrieval operation sa bayan ng San Pedro City.

Ayon kay PCOL SILVIO, “sa kabila ng bagyo, ang Laguna PNP ay laging handa para sa ika-aayos ng lalawigan ng Laguna.” #gtgtalampas

LifeIsBeautiful

KaligtasanNyoSagotKo

TulongTulongTayo

MKKequalsK

PNPKakampiMo





Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.