ni: Kevin Pamatmat/Shekinah Joy Pamatmat

NAGCARLAN, LAGUNA- Nababahala na ang ilang residente ng Barangay Sta.Lucia ng bayan ito. Makaraang makapang biktima na naman ang isang ahas na nauwi sa pagkamatay ng isang bata.

Matatandaan na kamakailan lamang sa nakalipas na buwan ay isa rin bata ang natuklaw ng cobra na nauwi sa pagkamatay nito. Dahilan upang maging handa sa lahat ng oras ang mamamayan laban sa mga gumagalang ahas.

Ayon kay Jennifer Villa ina ng biktima..Ganap na ika-6 na ng umaga November 5, 2022 habang kanyang ginigising ang anak niyang si Neo Andi Daño. Nabigla siya sa kanyang nasaksihan ng makitang may tila tuklaw ito ng isang makamandag na ahas.

Agad isinugod ang bata sa Nagcarlan District hospital upang doon bigyan ng paunang lunas ang biktima. Subalit ayon sa sumuri ay walang ng buhay ito bago pa man dalahin sa pagamutan.

Nagtamo ng halos pitong tuklaw ng cobra si Andi. Sa kanyang mukha, braso, at sa kanyang binti na dahilan upang agad itong bawian ng buhay mula sa kanyang higaan.

Samantalang napilitan lamang na patayin nila ahas na nakatuklaw sa kanilang anak kahit labag ito sa umiiral na batas. Dahil nga sa ito ang kumitil sa buhay ng bata.

Nanawagan naman si Jennifer Villa para sa kanya anak na sana ay matulungan sila ng mga kinauukulan. Upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagpapalibing ng kanilang anak. At magsagawa din ng panghuhuli sa makakamandag na ahas upang maiwasan pa na makapangbiktima pa ang mga ulupong.

Reporter: Kevin Pamatmat




Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.