1–2 minutes

Iniulat ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO kay Police Brigadier General CARLITO M GACES, Regional Director PRO CALABARZON ang pagkakaaresto ng 13 akusado sa loob ng isang (1) araw na “Warrant Day” operations ng Laguna PNP, kahapon Mayo 4, 2023.

Kabilang sa mga naaresto ay ang isang (1) Rank 1 Most Wanted Person Regional Level, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10175 “Cybercrime Prevention Act of 2012″, isang (1) Rank 3 Most Wanted Person Municipal Level na nahaharap naman sa kasaong paglabag sa RA 9165 (2 Counts) habang arestado din ang 11 na Other Wanted Persons na sangkot sa iba’t-ibang kaso.

Ang mga arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang operating units. Samantala ang mga korteng pinagmulan ng kanilang mga Warrant of Arrest ay iimpormahan sa pagkaaresto ng mga nasabing akusado.

Ang ‘Warrant Day’ ng Laguna PNP ay isinasagawa tuwing Huwebes at matagumpay na naipapatupad sa pamamagitan ng mga nakalap na impormasyon mula sa aktibong suporta ng komunidad sa iba’t ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang Warrant Day po ng Laguna PNP ay isang pamamaraan upang mabilisang maaresto o mahuli ang mga nagtatago sa batas sa pakikipagtulungan at suporta ng ating mga kababayan dito sa buong Lalawigan ng Laguna. At sa pamamagitan nito ang hinahangad na hustisya ng mga pamilya ng mga naging biktima ay agarang makamtan. Ang mga operasyon pong ito ng kapulisan ng Laguna ay tugon sa panawagan ng aming bagong talagang Regional Director ng PRO CALABARZON na naka-alinsunod sa direktiba ni PGEN BENJAMIN C ACORDA JR, Chief PNP na maipatupad ang batas sa lahat ng mga lumabag dito dahil ang Laguna PNP ay walang ibang hangarin kundi ang isang maayos, maunlad tahimik at payapang Lalawigan.” #gtgmayani
#PNPKakampiMo



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending