1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang Dalawang High Value Individual (HVI) sa Ikinasang Joint Buy-Bust Operation Calamba Pulis at Provincial Intelligence Unit (PIU) kahapon Mayo 3, 2023

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga suspek na sila alyas Bok at Omelya pawang mga residente ng Calamba City, Laguna.

Sa ulat ng Calamba City Police Station nagkasa sila ng joint buy-bust operation kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU) ganap na 7:40 ng gabi Mayo 3, 2023 sa Brgy. Halang, Calamba City, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng mga suspek matapos magsabwatan sa pagbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa mga awtoridad na nag panggap bilang poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nasamsam sa mga suspek ang isang (1) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 1.25 gramo, tatlong (3) pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 111.25 gramo na may kabuoang halagang tinatayang aabot sa Php 756,500.00, isang (1) pouch, isang (1) wallet, tatlong (3) piraso one thousand peso bill ginamit na buy-bust money at limang (5) pirasong one hundred peso bill.

Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Sa serbisyong nagkakaisa ay mas maayos at mabilis nating matutugunan ang panawagan at direktiba ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR na sugpuin lahat ang kriminalidad sa ating nasasakupan at palakasin ang kampanya laban sa ilegal na droga. Ang Laguna PNP ay nagpapasalamat po sa ating mga kababayan na patuloy na nakikipagtulungan sa ating mga kapulisan sa pamamagitan ng mga impormasyong inyong binibigay ay mabilis nahuhuli ang mga drug personalities dito sa Provinsya ng Laguna katulad ng pagka aresto ng dalawang High Value Individual (HVI) na ito.” #gtgmayani
#PNPKakampiMo
#PNP4A



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending