1–2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang Suspek, Baril, mga Bala at 24k halaga ng Shabu kumpiskado sa Search Warrant Operations ng Biñan Pulis kahapon Mayo 4, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Fernando residente ng Biñan City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL VIRGILIO M JOPIA nagsagawa ang kanilang mga operatiba ng search warrant operation ganap na 8:30 ng umaga Mayo 4, 2023. sa Brgy. Sto Tomas, Biñan City, Laguna na nag resulta sa pagka aresto ng nasabing suspek matapos makuha sa kanyang pag-iingat ang isang (1) unit ng Caliber 357 Magnum, Smith and Wesson, limang (5) bala at limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga (shabu) na may timbang na humigit kumulang 3.8 gramo na may tinatayang halagang aabot sa Php 24,700.00.

Ang arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan CPS habang inihahanda naman ang mga dokumento para sa mga kaukulang isasampang kaso laban sa kanya na paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearm and Ammunitions Act) at RA 9165 (Dangerous Drugs Acts of 2002). At ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic at ballistic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Ang Search Warrant Operations ng Laguna PNP ay lalo pa nating paiigtingin dahil isa ito sa aking prioridad upang masugpo ang mga kriminalidad na ginagamitan ng mga loose firearms. Makakaasa kayo na ang inyong kapulisan sa Laguna ay patuloy na magkakaisa, maglilingkod ng tapat at magiging matatag sa mga pangako ng pagsuporta sa mga mithiin ng bisyon ni PGEN Benjamin C Acorda Jr, Chief PNP habang sumusulong tayo tungo sa mas ligtas na kinabukasan para sa lahat.” #gtgmayani
#SERBISYONGNAGKAKAISA
#ToServeAndProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending