1 minute

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang 29 na drug personalities sa Two Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP, noong May 5, 2023 at May 6, 2023 sa pamumuno ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO.

Ang kampanya ng Laguna PNP laban sa ipinagbabawal na droga ay maigting na iniimplementa ng kapulisan ng Laguna, sa tulong at suporta ng pamayanan lalong-lalo na ng Barangay Intelligence Network (BIN’s) sa ibat-ibang barangay sa lalawigan ng Laguna.

Ang Two Day Anti-Illegal Drugs Operations ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkaka aresto ng 29 na drug personalities, sa naisagawang 23 na operasyon sa buong probinsiya, nasamsam naman ng mga awtoridad sa mga arestadong suspek ang humigit-kumulang sa 63.12 gramo ng hinihinalang shabu at 0.25 gramo ng marijuana na may kabuoang halagang aabot sa Php 429,246.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination. Samantala, nahaharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO, “Bilang pagtalima sa panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR ay mas palalakasin pa ang kampanya kontra ilegal na droga ng Laguna PNP at hindi po titigil ang inyong kapulisan upang tuluyang mailayo ang ating mga kababayan sa pinagbabawal na gamot lalo na ang mga kabataan sa buong lalawigan ng Laguna.” #gtgmayani
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.