1 minute

Ikinasa kaninang umaga alas 9:00 ng Mayo 19, 2023, sa Padre Garcia, Batangas ang manhunt operation laban sa Most Wanted Person (Regional Level).

Sa ulat ni Provincial Director Police Colonel PEDRO D SOLIBA kay PRO CALABARZON Regional Director Police Brigadier General CARLITO M GACES, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 87, Rosario, Batangas na may petsang Agosto 27, 2020. Hindi na nakawala pa sa kamay ng batas si Reynante Mahilom y Leynes 24 taong gulang, walang- asawa, construction worker at residente ng San Jose, Batangas sa ginawang operasyon ng Padre Garcia Municipal Police Station.

Setyembre 12, 2019, personal na humarap sa nasabing tanggapan ang biktima kasama ang kanyang ama upang magsampa ng kinakailangang reklamo laban sa suspek. Alinsunod dito, noong Marso 30, 2019, Abril 19, 2019 at Hunyo 9, 2019 nangyari ang pangagahasa sa biktima sa loob ng kanilang bahay sa naturang bayan.

Ang arestadong akusado ay kasalukuyan nasa kustodiya ng Padre Garcia MPS habang ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest ay iimpormahan sa kanyang pagkaaresto.

“Hinihikayat namin ang mamamayan na magbigay sa amin ng impormasyon at ito’y tatrabauhin namin sa abot ng aming makakaya.”–PCOL SOLIBA
###piobatangasppo###
#TeamPIO



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.