2 minutes

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang isang High Value Individual (HVI) sa Ikinasang Buy-Bust Operation San Pedro Pulis kahapon Mayo 21, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Roderick residente ng San Pedro City, Laguna.

Ayon sa ulat ni PLTCOL ROLLY B LIEGEN, Hepe ng San Pedro City Police Station nagkasa ang kanilang mga operatiba ng anti-illegal drugs buy-bust operation kahapon Mayo 21, 2023 sa ganap na 9:29 ng gabi sa may Yohance Express Bus Terminal, Brgy. Landayan, San Pedro City, Laguna na nagresulta sa pagka aresto ng suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa police poseur buyer kapalit ang buy-bust money.

Nakumpiska sa suspek ang labing-isa (11) piraso ng plastic sachet ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 50.40 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang Php 347,700.00, isang coin purse na naglalaman ng Php 500.00, isang unit ng Cellular Phone at narekober din sa suspek ang buy-bust money.

Ang arestadong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pedro CPS na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002” at ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory para sa forensic examination.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Nagpapasalamat po kami sa ating mga kababayan na patuloy na nakikipag tulungan sa ating mga kapulisan sa pagbibigay ng mga impormasyon para sa mabilisang pagkakadakip ng mga taong sangkot sa pagbebenta at pag gamit ng ilegal na droga. Ito ay patunay lamang na dito sa Lalawigan ng Laguna ang mga mamamayan at kapulisan ay nagkakaisa para sa isang mithiin at adhikain na mahuli ang lahat ng mga sangkot sa ilegal na droga bilang pagtalima sa panawagan ng ating Regional Director PRO CALABARZON, PBGEN CARLITO M GACES at Chief PNP, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR upang matiyak natin ang kaligtasan at katahimikan dito sa buong probinsiya.” #gtgmayani

#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.