2 minutes

Arestado ang Mag-asawang Most Wanted Person Regional Level sa Joint Manhunt Charlie Operation ng Laguna PNP kahapon May 26, 2023.

Kinilala ni Police Colonel RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang mga akusado na sina alyas Aries Rank Number 1 Most Wanted Regional Level at Lider ng Alipon Criminal Group At Kryzzel Most Wanted Regional Level pawang mga residente ng Pila, Laguna.

Sa ulat ng Pila Municipal Police Station nagsagawa sila ng joint manhunt operation kasama ang PHPT Laguna-RHPU4A, Siniloan MPS at Calauan MPS ganap na 11:20 ng umaga Mayo 26, 2023 sa Brgy. Linga, Pila, Laguna na nag resulta sa pagkaka aresto ng mga nasabing akusado. Nahaharap si alyas Aries sa mga kasong Estafa (3 counts) na may piyansang nirekomenda sa halagang Php70, 000.00, RA 10883 o New Anti-Carnapping Law (2 counts) na may piyansang nirekomenda sa halagang Php 300,000 kada kaso at Other Forms of Swindling na may piyansa namang Php 3,000 napagalaman din na si Aries ay isang Leader ng Alipon Criminal Group at nakatala din bilang Rank 1 Most Wanted Person Regional Level. Samantala arestado din ang kanyang asawa na si alyas Kryzzel na kabilang sa Most Wanted Person Regional Level na nahaharap naman sa mga kasong Estafa, RA 10883 o New Anti-Carnapping Law at Other Forms of Swindling para sa kasong Estafa ay nirekomendahan ng piyansang Php 20, 000.00 habang Php 300,000.00 para sa RA10883 at Php 3,000.00 naman sa Other Forms of Swindling.

Ang mga arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PHPT-Laguna samantalang iimpormahan naman ang pinagmulan ng warrant of arrest sa pagkaaresto ng akusado.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO “Sa pagka aresto ng mga akusado ay titiyakin namin na mananagot sila sa batas upang hindi na muli sila makapang biktima o maka pangluko ng iba pa nating mga kababayan.” #gtgacana
#SerbisyonNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




May 2023
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.