2 minutes

Ang Laguna PNP sa pamumuno ni PCOL RANDY GLENN G SILVIO, Acting Provincial Director ay nagrekomenda sa mga heads ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng bawat bayan sa buong lalawigan ng Laguna na matanggal sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga miyembro nito na naiinvolved sa Drug Cases.

Walo sa kabuuang 25 Drug Personalities na miyembro ng 4Ps ay tuluyan ng nawala sa listahan ng MSWD bilang 4Ps recipients. Apat nito ay mula sa Bayan ng Liliw, Tatlo mula sa Alaminos at Isa naman sa Kalayaan.

Napag-alaman ng kapulisan na may iilan sa mga nahuhuling Drug Personalities sa lalawigan ng Laguna ay miyembro ng 4Ps na kung saan nagagamit nila ang tulong financial na binibigay ng gobyerno para sa kanilang mga bisyo sa halip ay para sa kapakanan ng kanilang pamilya.

Kaya naman ang pamunuan ng Laguna PNP ay patuloy na nakikipag uganayan sa mga SWDOs para tuluyan ng maalis sa listahan ng 4Ps ang mga natitirang mga pangalan na sangkot sa Ilegal na droga upang hindi na sila tuluran ng ibang miyembro ng 4Ps.

Bukod sa mga nasasangkot sa pinag babawal na gamot, ang mga mahuhuli sa Illegal Gambling at iba pang krimen at paglabag sa lahat ng nasyonal na batas at lokal na mga ordinansa na kinasasangkutan ng miyembro ng 4Ps ay inimumungkahi ng pamunuan ng Laguna PNP na maalis rin sa listahan ng 4Ps.

Ang ginawang initiative ng Laguna PNP sa pagpapaalis sa mga miyembro ng 4Ps ay naayon sa panukala ng DSWD Memorandum Circular No 038, series of 2020 na kung sino man miyembro ng 4Ps na masangkot sa anuman krimen gaya ng pagbebenta at pagamit ng pinag babawal na gamot, pag susugal, pag-iinom, at paglabag sa mga anumang umiiral na batas ay maaring maalis sa naturang listahan.

Ayon sa pahayag ni PCOL SILVIO para sa ikaka ayos ng pamilya at ikatatahimik ng pamayanan ng lalawigan, ang kapulisan ng Laguna PNP ay patuloy na magsasaliksik at magpapatupad ng mga inisyatibo upang ang siguridad at kaligtasan ng mamamayan ay mapanatili, matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas na manumbalik sa maayos, may pangarap at magandang pamumuhay at kinabukasan upang maging lalong progresibo ang lalawigan.
#SerbisyongNagkakaisa
#ToServeandProtect



Contact #: 09171180238




June 2023
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.