1 minute

QUEZON-Sasampahan ng kasong administratibo ang mga pulis na sangkot sa  pagkakaaresto sa grupo ni Film Director Jade Castro na nakulong ng 40-days matapos akusahan na nanunog ng modern jeep sa Catanauan, Quezon.

Ayon sa abogado ng premyadong direktor, nakatanggap umano siya ng tawag mula sa Philippine National Police’s Regional Internal Affairs Service (PNP-RIAS)  at sinabing kakasuhan ng motu proprio, administrative cases ang hepe ng Catanauan PNP, imbestigador, at mga arresting officer.

Si direk Jade Castro ay isang kilalang film maker sa larangan ng paggawa ng mga pelikulang pilipino na ginanapan ng mga kilalang mga artista at ang mga kasamang nakulong ng director na dalawang civil engr.at isang negosyanteng sales manager matalik na kaibigan din si Castro ng batikang film director na si Erik Matti na isa sa dumalo sa Inquiry sa Congreso at ipnagtanggol ang kanyang kaibigan at nagpatunay na mabuting tao at walang kinakasangkutan na anumang paglabag sa batas si Castro.

Matatandaang noong ika-19 ng Pebrero, inihayag ng dalawang pulis na wala silang pisikal na ebidensya sa pagkakaaresto kay Castro at ang pinagbatayan lamang ay cyber patrolling na hindi sumusuporta ang direktor sa modernization ng jeepney.

Matatandaang nitong nakaraang Lunes, pinalaya na sina Castro matapos ibasura ng korte ang demanda dahil sa maling pagkakaaresto sa kanila at hindi nakitaan ng probable cause.

Samantala, nanindigan naman ang PNP na ligal ang kanilang ginawang pag-aresto at pinag-aaralan ng kanilang legal officers ang paghahain ng motion for reconsideration. (BONG RIVERA)

#Edjun Mariposque






Contact #: 09171180238

March 2024
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.