2 minutes

Sa kabila ng mga hamon na kinakaharap ng mga katutubong Dumagat sa mga bayan ng Burdeos at Gen. Nakar sa Quezon, isang bagong pag-asa ang sumiklab sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng isang espesyal na pagsasanay na itinaguyod ng Kagawaran ng Pagsasaka Rehiyon IV-A (DA-4A).

Ang nasabing pagsasanay, na pinamagatang “Training on Values Formation, Leadership and Organizational Strengthening,” ay naglalayong palakasin ang mga kakayahan at kaalaman ng mga katutubo sa pagsisimula, pamamahala, at pamumuno ng kanilang mga sariling komunidad.

Sa loob ng dalawang magkakahiwalay na araw at lokasyon, mula ika-25 hanggang ika-26 ng Abril sa Burdeos at ika-2 hanggang ika-3 ng Mayo sa Gen. Nakar, nagsagawa ang DA-4A ng komprehensibong pagsasanay na naglalayong maging huwaran sa liderato at pag-aaruga ng komunidad ang mga katutubong Dumagat.

Sa ilalim ng programang “Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo” (4K), ibinahagi sa mga katutubo ang mga prinsipyo ng tamang pamumuno at organisasyon, pati na rin ang mga teknik at diskarte sa pagsasaka na makakatulong sa kanilang kabuhayan.

Bukod dito, nagkaroon din ng masusing talakayan at pagsusuri sa mga pangangailangan ng mga katutubo sa pag-unlad ng kanilang mga sakahan. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakilala ng mga kawani ng DA-4A ang mga pangangailangan ng mga katutubo at nakapagbigay sila ng agarang suporta at tulong.

Sa panig ng DA-4A, sinabi ni Antonio Zara, ang pangunahing layunin ay tulungan ang mga katutubo na mapaunlad ang kanilang pamumuhay at kabuhayan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at suporta sa mga proyektong pang-agrikultura, umaasa ang kagawaran na matulungan ang mga katutubo na mapalago ang kanilang mga sakahan at magkaroon ng masaganang ani.

Isang mainit na pasasalamat naman ang ipinaabot ni Chieftain Mabeline Peñamante, isang kinatawan ng katutubong Dumagat sa Burdeos, sa Kagawaran ng Pagsasaka. Sa kanyang mga salita, ipinahayag niya ang malaking pasasalamat sa suporta at tulong na ibinigay ng kagawaran na nagbigay muli ng pag-asa sa kanilang pagsasaka at pang-araw-araw na pamumuhay.

#Edjun Mariposque

DREAMSTAR TV

Changing Lives: Free Cleft Palate Services Offered by Pandemic Hero Foundation Inc.

As an organization that cares for the welfare of the people, we, Pandemic Hero Foundation Inc., are looking for people with cleft palate whom we will be helping with the help of our sponsored partners. This is a free service to offer for it is our heart that speaks from sharing our strong partnership with people and changing the way they live their lives – to what they deserve. This is not a business for personal gains, but more of reaching out and promoting a helping hand.

Pandemic Hero Foundation Inc.
Location: Purok Uno, Brgy. Lumil, Silang, Cavite.






Contact #: 09171180238

May 2024
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending

Blog at WordPress.com.