Ni: Madeliene B. Marasigan
Ayon kay Philippine Cancer Society Director Rom Marcaida ang cancer ang ikalawa sa dahilan ng maagang pagpanaw dito sa pilipinas maging sa buong mundo. Noong taong 2020-2021 ay humigit kumulang sa 50 libo katao ang namatay dahil sa cancer.
Ayon pa kay Marcaida, ang pinaka karaniwan sa mga kababaihan ang pagkakaroon ng breast at cervical cancer at batay sa pagaaral anim lamang sa sampung nagkakaroon nito ang nakakaligtas.
Binigyan diin ni Dr. Rom ang kahalagaahan ng pagkunsulta sa mga espesyalista upang agarang masuri lalo higit kung may mga sintomas o kakaibang nakikita sa katawan.
Ibinahagi ni Dr. Marcaida ang ilan sa pagsusuri para sa kanser sa suso; 1. Sariling Salat sa Suso (SSS)-ito ay isang minuto ng pagsalat sa suso ng nakatayo, nakataas ang kamay at nakaharap sa salamin o maari rin naman nakahiga at mas mainam na gawin kung walang buwanang dalaw o regla. Ang paraan naman ng pag salat sa suso ay TKP T-tingnan kung magsing laki kung hindi ay ayus lamang basta hindi magkalayo ang size, kung may makitang dimple ay agarang magpakunsulta, K-kapa gamit ang tatlong daliri kapain ang suso ng paikot o pataas baba sa iisang direksyon, P-pisilin ang utong kung may lumabas ng likido, dugo o nana ay agarang magpakunsulta. 2. Clinical Breast Examination- ito ay ginagawa ng doctor, nurse, at iba pa sa loob sa klinika o ospital.
Ang cancer ay hindi dapat katakutan, hindi ito isang death sentence. Ang cancer ay nagagamot lalo’t higit kung ito ay maagang nalaman kayat regular na kumunsulta sa inyong mga doctor.
Ang Cervical Cancer ayon sa pagaaral ang ikalawa na tumatamang sakit sa mga kababaihan.
Ayon kay Philippine Cancer Society Director Dr. Marcaida may 6 na uri ng cancer at ang tatlo dito ay maaring maagapan, isa na nga dito ang cervical cancer.
Ayon pa kay Dr. Marcaida ang cervix ay nagsisilbing daanan ng mga fluids tulad ng menstrual period at gayundin ng baby o sanggol kapag manganganak, ang cervix din ang nagdadala ng semen pataas sa matris kaya kung may sakit ang cervix ay mahihirapang mabuntis.
Ang pagkakaroon ng impeksyon sa cervix ay dulot ng Human Papilloma Virus (HPV). May bakuna na maaring pumigil sa impeksyon at maaring magprotekta laban dito.
Ayon pa rin kay Dr. Marcaida maaring maagapan ang pagkakaroon at maaring paglala ng cervical cancer kung maagap itong malalaman sa pamamagitan ng cervical screening na may dalawang pamamaraan papsmear at Visual Inspection with Acetic acid (VIA) na isinasagawa sa klinika.
Mainam po na palagiang kumunsulta sa ating mga espesyalita upang maagapan ang anu man maaring pagmulan ng karamdaman….ika nga “Prevention is better than Cure”.
- BARIL AT MGA BALA, NASABAT SA OPLAN SITA
- SUSPECTED ACCOMPLICE IN LUMBAN 7-ELEVEN ROBBERY FOUND DEAD; POLICE PROBE POSSIBLE LINK
- 58 PASAHERO AT CREW, NASAGIP SA TUMAGILID NA BARKO
- MAHIGIT 12,000 PULIS SA CALABARZON NAKAALERTO NGAYONG LIGTAS UNDAS 2026
- ENVIRONMENTAL EXPERTS, STAKEHOLDERS DISCUSS WASTE MANAGEMENT AND SUPER EL NIÑO SOLUTIONS IN CALABARZON
- MAYOR ROSS RIZAL DELIVERS IMPROVED ROAD ACCESS TO BUNGGO COMMUNITY
- CALAMBA MAYOR ROSS RIZAL INAUGURATES FOUR MAJOR PROJECTS IN BARANGAY MABATO
- CALAMBA, BAGUIO ONLY CITIES HONORED WITH DSWD GAWAD SERBISYONG MAHUSAY
- PDEA DISMANTLES DRUG DEN, ARRESTS 5 DRUG PERSONALITIES IN BACOOR CITY
- PDEA ARRESTS 2 DRUG PERSONALITIES, SEIZES SUSPECTED MARIJUANA AND VAPE PRODUCTS IN TAYTAY, RIZAL
- SSS Members With ₱10,000 or Lower Salary Credits May Qualify for ₱8,000 Aid
- MAG AMA PINAGBABARIL, SUSPEK NAKATAKAS
- LOLO PINAGNAKAWAN SAKA PINATAY
- Calamba Continues Senior Citizens’ Pension Payouts, Medical and Financial Assistance
- Enchanted Kingdom Marks 31st Anniversary with ‘Fiesta ng Saribuhay,’ Celebrating Filipino Culture and Biodiversity
- QUEZON PNP, MULING TINANGHAL NA BEST POLICE PROVINCIAL OFFICE SA CALABARZON
- Mayor Ross Rizal Cites Support for 2,400-Plus Pedicab Drivers Through Rice Aid
- 5 HULI SA MAGKASUNOD NA ANTI-DRUG OPERATION SA BIÑAN; higit ₱22K HALAGA NG SHABU, SAMSAM
- Cayetano Pushes for Holistic Education Through Sports, Arts and Culture
- PBBM appoints finance veteran Limlingan as new SSS chief






















Leave a Reply