2โ€“3 minutes

Tatlo arestado kabilang ang dalawang security guard makaraang makupiskahan ang mga ito ng ilang pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyon, baril at mga bala sa Sitio Balso Brgy. Calahan, Cardona Rizal.

Sa ulat ni PMAJ ROBERTO M PAPA, hepe ng Cardona Municipal Police Station ay nagsagawa ang kanilang Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng buy-bust operation dakong 6:35 ng umaga October 10, 2023 matapos makatanggap ito ng report mula sa isang di nagpakilalang impormante tungkol sa laganap na bentahan ng pinagbabawal na droga sa nasabing lugar at isang alias โ€œBONโ€ ang di umanoy nasa likod ng iligal na aktibidad. Agad nagsagawa ang kapulisan ng surveillance sa lugar na nagresulta sa pagkakahuli ng tatlong indibidwal matapos na magbenta ito sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer. Ang mga naaresto ay kinilalang sina alyas Bon, 33-taon gulang, nakatira sa Brgy Patunhay, Cardona Rizal, alyas Richard, 51-taon gulang, security guard, nakatira sa Brgy Bombongan, Morong, Rizal at alyas Roderick, 39-taon gulang, security guard, nakatira sa Brgy. Milagrosa Carmona, Cavite.

Nakumpiska sa mga suspek ang labindalawang (12) pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 82.3 gramo na may halagang Php559,640.00., isang kalibre .45 na baril, magazine, mga bala, tatlong unit ng cellphone, isang wallet, isang coin purse, isang sling bag at buy-bust money na nagkakahalaga ng Php 1,000.00.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay minarkahan, inimbentaryo at kinuhanan ng litrato sa lugar ng operasyon at presensya ng mga suspek na agad binasahan ng kanilang mga karapatan bilang arestadong tao. Dinala ang mga ito sa Rizal Provincial Forensic Unit para sa tamang dokumentasyon at disposisyon. Samantala, kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Cardona Custodial Facility na nahaharap sa mga reklamong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A 10591 (Firearms and Ammunitions Law) in relation to Omnibus Election Code.

โ€œAng pagkakahuli sa mga suspek ay resulta ng mas pina igting na kampanya ng Rizal PNP para matuldukan ang problema sa iligal na droga na nagbubunga ng samut saring krimenโ€ ani PCOL RAINERIO M DE CHAVEZ, Officer-In-Charge Rizal PPO. Pinaalalahan din ng butihing direktor ang mga Rizaleรฑo sa mahigpit na pagpapatupad ng batas tungkol sa pagdadala ng baril ngayong panahon ng eleksyon mula August 28-November 29,2023 (90-Day election period) //RIZALPPOPIO


Contact #: 09171180238





October 2023
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending