1–2 minutes

Camp BGen Paciano Rizal, Sta Cruz, Laguna – Arestado ang Most Wanted Person sa CALABARZON sa ikinasang joint manhunt operation ng Laguna PNP kahapon, Nobyembre 10, 2023.

Kinilala ni PCOL HAROLD P DEPOSITAR, Officer-in-Charge, Laguna PPO ang akusado na si alyas John Cris, 18 anyos na residente ng Biñan City, Laguna.

Sa ulat ni PLTCOL JONATHAN ROBERT C RONGAVILLA, hepe ng Biñan Component City Police Station (CCPS), nagkasa sila ng joint manhunt operation kasama ang RIU-4A PIT Laguna na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas John Cris dakong 6:20 ng gabi Nobyembre 10, 2023 sa Brgy. Tubigan, Binan City,Laguna. Ayon sa warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court, Branch 138, Makati City na pinagtibay ng lagda ni Hon. Analie B. Oga-Brual Presiding Judge ng nasabing korte, nahaharap ang akusado sa kasong Qualified Rape na walang kaukulang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Biñan Component City Police Station ang arestadong akusado, habang ang korte na pinagmulan ng warrant of arrest ay inimpormahan sa pagkakaaresto nito.

Sa pahayag ni PCOL DEPOSITAR, “Makakaasa ang ating mamamayan na patuloy ang mga ganitong operasyon ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas. Nagpapasalamat din kami sa ating mga kababayan natin sa Bìñan City sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan na nagresulta sa mabilis na pagkakadakip sa akusado.” #gtgilao

SerbisyongTamaAtNagkakaisa

ToServeandProtect




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending