1–2 minutes

Napasakamay ng awtoridad ang dalawang carnapper sa isinagawang entrapment operation ng kapulisan ng Bauan Municipal Police Station katuwang ang Batangas Provincial Highway Patrol Team noong 6:00 ng gabi ng Nobyembre 10, 2023 sa Barangay Sabang, Lipa City.

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Samson B Belmonte kay Police Regional Office CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth T Lucas, kinilala ang mga suspek bilang sina alyas “Alex”, residente ng Bauan, Batangas at si alyas “Edison”, residente ng Lipa City. Narekober sa mga suspek ang ninakaw na motor na Yamaha Mio.

Nangyari ang pagnanakaw ng motor noong 10:15 ng gabi ng Nobyembre 9, 2023 sa Barangay Durungao, Bauan, Batangas habang nakaparada sa tabing kalsada. Itinakas ng dalawang suspek ang motor sa direksyong papunta sa Barangay Inicbulan, Bauan, Batangas.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bauan MPS sina alyas “Alex” at alyas “Edison” habang inihahanda ang mga dokumento para sa kasong paglabag sa of RA 10883 New Anti-Carnapping Act of 2016.

“Napakahalaga po ng pakikipagtulungan ng komunidad sa kapulisan upang mabilis na malutas ang mga ganitong klaseng krimen. Sinisikap po natin na maaksyunan agad ang mga di kanais-nais na insidente sa ating pamayanan.”– PCOL BELMONTE
###piobatangasppo###
###TeamPIO




Contact #: 09171180238



November 2023
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

https://www.facebook.com/NewsStringerTV/

Leave a comment

Trending