Lipa City – Umaalma na ang mga residente ng ibat-ibang bayan ng Batangas dahil sa umano ay hindi maayos na serbisyo ng Batangas Electric Cooperative II (Batelec II) bilang kanilang electric power provider.
Kabilang sa mga service area ng Batelec II ang Lipa City at Tanauan City at ang mga bayan ng Alitagtag, Cuenca, Mataas na ahoy, Balete, San Jose, Mabini, Tingloy, Rosario, Padre Garcia, Taysan, San Juan, Lobo, Malvar, Talisay at Laurel.
Halos iisa ang idinadaing ng kanilang mga consumers mula sa.mga nabaggit na lugar, ang malimit na mga brown-out sa kani-kanilang lugar at ang mataas na singil nito.
Ayon sa mga residente, malaking perwisyo sa kanila ang mga biglaang nangyayaring brown-out at maging ang mga scheduled bronn-out na kalimitan ay tumatagal ng maghapon at magdamag.
Ayon sa negosyanteng si Nina Bilogo ng Taysan, Batangas at may ari ng isang piggery, apektado ng brown out ang kanyang babuyan dahil kasabay ng pagkawala ng power ay ang pagkawala rin ng tubig na kailangang kailangan sa kanilang piggery.
Si Mae Panganiban, isang house wife na taga Lobo, Batangas ay apektado naman ang kanilang kalusugan at maging ang kanilang mga anak dahil sa malimit na magdamagang brown out na kanilang ikinapupuyat at ipinagkakasakit ng mga bata dahil sa sobrang init.
Sina Ruth Manguiat ng Mabini, Batangas at Yanna Yee ng Lipa City, na kapwa online worker at parehong worked from home, ay hirap naman sa paghahanap ng lugar kung saan may power at may internet connection kapag nagbrown out na sa kanilang bayan.
Dumadayo na lamang anya sila sa bahay ng kanilang mga kaanak na taga ibang bayan at hindi brown out na lugar.
Ayon pa sa mga consumers, hindi lang trabaho at kalusugan ang apektado kundi ang pagkasira din ng kanilang mga electrical appliances dahil sa patay-sindi at biglaang balik ng power.
Dalawang miyembro na rin ng Sangguniang Bayan ng Lobo na sina Konsehal John Michael Anyayahan at Konsehal Mark Tiu ang nagpahayag na rin ng kanilang pagkadismaya sa serbisyo ng Batelec 2.
Gumagawa na rin ang mga ito ng resolusyon na kanilang ipaparating sa mga matataas na opsiyal ng Batangas at maging sa Kongreso kung paano masusulosyunan ang kanilang problema.
Sa panayam kay Tiu, sinabi nito na napag-iwanan na ng makabagong sistema ng pagbibigay ng elektrisidad ang Batelec 2 at nagangailangan na itong i-upgrade.
Pumapabor din ang mga ito na kung sakaling hindi na talaga kayang ayusin ng Batelec 2 ang kanilang serbisyo ay panghimasukan na ng kongreso ang kanilang matagal ng problema sa koryente sa Batangas.
Matatandaang kamakailan ay naghain ng isang resolusyon si House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo kasama ang apat pang mambabatas upang patanggalan ng prangkisa sa Kongreso ang mga electric cooperative na nabigo na makapagbigay ng maaasahan at murang suplay ng kuryente.
Samatala sa panayam naman kay Joan Orias, Consumer Services and Public Relations Department Manager ng Batelec, 2, masamang panahon at mga pagkidlat na nagdudulot ng mga pagkasira ng kanilang mga power insulators at mga transformers ang malimit na nagiging dahilan ng kanilang mga unscheduled power interruption.
Meron naman silang mga scheduled brown out para sa mga clearing operation sa kanilang mga linya upang maisawan ang mga biglaang pagkawala ng power dahil sa mga sanga at mga pumo na umaabot na sa kanilang main line.
Kamakailan lamang, limang poste ng Batelec II sa Lipa City ang bumagsak na nagdulot ng pagkansela ng klase sa La Salle dahil sa tagal ng pagsasaayos dito
Ang dalawang kooperatiba ng Batelec I at Batelec II ang power service provider ng halos 90 porsyento ng lalawigan ng Batangas na isa sa mga nangungunang tourist destination at industrialized province ng Calabarzon.


- Enchanted Kingdom Marks 31st Anniversary with ‘Fiesta ng Saribuhay,’ Celebrating Filipino Culture and Biodiversity**** by: Edjun Mariposque **** SANTA ROSA CITY, Laguna — Enchanted Kingdom (EK), the Philippines’ first and only world-class… Read more: Enchanted Kingdom Marks 31st Anniversary with ‘Fiesta ng Saribuhay,’ Celebrating Filipino Culture and Biodiversity
- QUEZON PNP, MULING TINANGHAL NA BEST POLICE PROVINCIAL OFFICE SA CALABARZONby: BONG RIVERA **** QUEZON — Muling kinilala ang Quezon Police Provincial Office (QPPO) bilang Best Police Provincial Office ng… Read more: QUEZON PNP, MULING TINANGHAL NA BEST POLICE PROVINCIAL OFFICE SA CALABARZON
- Mayor Ross Rizal Cites Support for 2,400-Plus Pedicab Drivers Through Rice Aid**** by: Edjun Mariposque **** **CALAMBA CITY, Laguna** — More than 2,400 pedicab drivers in Calamba City received 20… Read more: Mayor Ross Rizal Cites Support for 2,400-Plus Pedicab Drivers Through Rice Aid
- 5 HULI SA MAGKASUNOD NA ANTI-DRUG OPERATION SA BIÑAN; higit ₱22K HALAGA NG SHABU, SAMSAM**** by: Jacqueline Arangel Palima **** BIÑAN CITY, LAGUNA — Isang matagumpay na huli laban sa ilegal na droga… Read more: 5 HULI SA MAGKASUNOD NA ANTI-DRUG OPERATION SA BIÑAN; higit ₱22K HALAGA NG SHABU, SAMSAM
- Cayetano Pushes for Holistic Education Through Sports, Arts and Culture**** by: Edjun Mariposque **** Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano is pushing for the inclusion of sports, arts… Read more: Cayetano Pushes for Holistic Education Through Sports, Arts and Culture
- PBBM appoints finance veteran Limlingan as new SSS chief**** **** QUEZON CITY, 16 October 2026 – President Ferdinand R. Marcos Jr. has appointed today finance and investment… Read more: PBBM appoints finance veteran Limlingan as new SSS chief
- Calamba City Named Most Business-Friendly LGU with Special Citation Under Mayor Ross Rizal’s Leadership**** by: Edjun Mariposque **** CALAMBA CITY, Laguna — The City of Calamba has earned recognition from the Philippine… Read more: Calamba City Named Most Business-Friendly LGU with Special Citation Under Mayor Ross Rizal’s Leadership
- Mayor Ross Rizal Inaugurates New Multipurpose Building for SK, Senior Citizens in Barangay 4**** by: Edjun Mariposque **** **CALAMBA CITY, Laguna** — Mayor Roseller “Ross” H. Rizal led the blessing and inauguration… Read more: Mayor Ross Rizal Inaugurates New Multipurpose Building for SK, Senior Citizens in Barangay 4
- Mayor Ross Rizal Extends Financial Assistance to Over 2,000 Calamba Senior Citizens for Medical Needs**** by: Edjun Mariposque **** **CALAMBA CITY, Laguna** — More than 2,000 senior citizens in Calamba City have received… Read more: Mayor Ross Rizal Extends Financial Assistance to Over 2,000 Calamba Senior Citizens for Medical Needs
- Mayor Ross Rizal Extends Educational Assistance to Over 500 Calamba Youth**** by: Edjun Mariposque **** **CALAMBA CITY, Laguna** — More than 500 young Calambeños have received educational assistance from… Read more: Mayor Ross Rizal Extends Educational Assistance to Over 500 Calamba Youth
- A Taste of Home Abroad: Mekeni Brings Filipino Favorites to Taiwan**** by: Edjun Mariposque **** Mekeni Food Corporation, the homegrown Filipino food brand from Porac, Pampanga, is bringing the… Read more: A Taste of Home Abroad: Mekeni Brings Filipino Favorites to Taiwan
- Mayor Ross Rizal Highlights Taxpayers’ Role in Bucal Barangay Hall Project**** by: Edjun Mariposque **** **CALAMBA CITY, Laguna** — The City Government of Calamba has inaugurated the newly constructed… Read more: Mayor Ross Rizal Highlights Taxpayers’ Role in Bucal Barangay Hall Project
- Cayetano: Huwag madaliin ang impeachment trial**** **** Nagbabala si Senator-judge Alan Peter Cayetano na hindi dapat isakripisyo ang pagiging patas sa pagmamadaling tapusin ang… Read more: Cayetano: Huwag madaliin ang impeachment trial
- CALAX Nears Full Completion, Set to Strengthen Cavite-Laguna Connectivity and Regional Economy**** by: Edjun Mariposque **** CAVITE-LAGUNA — The Cavite-Laguna Expressway (CALAX) is nearing full completion as construction advances on… Read more: CALAX Nears Full Completion, Set to Strengthen Cavite-Laguna Connectivity and Regional Economy
- ‘LEGISHEAR’ Brings Congress Closer to Lagunenses, Strengthens Public Voice in Lawmaking**** by: Edjun Mariposque **** **CALAMBA CITY, Laguna** — Laguna lawmakers, led by House Speaker Faustino “Bojie” Dy III… Read more: ‘LEGISHEAR’ Brings Congress Closer to Lagunenses, Strengthens Public Voice in Lawmaking
- Laguna Strengthens Midwife Skills to Prevent Mother-to-Child Transmission of HIV, Syphilis and Hepatitis B**** by: Edjun Mariposque **** SANTA CRUZ, LAGUNA — The Provincial Government of Laguna, under the leadership of Governor… Read more: Laguna Strengthens Midwife Skills to Prevent Mother-to-Child Transmission of HIV, Syphilis and Hepatitis B
- 30 UNIT NG UNIFIED 911 EMERGENCY RESPONSE MOTORCYCLES PORMAL NG IPINAMAHAGI NG DILG SA QUEZON PULISby: BONG RIVERA **** QUEZON — Ipinamahagi at pinangaunahan ni DILG Sec. Junvic Remulla ang pormal na turn over ng… Read more: 30 UNIT NG UNIFIED 911 EMERGENCY RESPONSE MOTORCYCLES PORMAL NG IPINAMAHAGI NG DILG SA QUEZON PULIS
- GINANG ARESTADO SA SHABUby: BONG RIVERA **** QUEZON — Arestado ang isang 53-anyos na ginang matapos makuha sa kanyang posesyon ang iligal na… Read more: GINANG ARESTADO SA SHABU
- PULIS SINIBAK SA PWESTO MATAPOS AKUSAHAN NG PANGHIPO NG ISANG BABAEby: RENZ PEDROCHE **** Matagumpay na Sinibak sa puwesto ang isang police master sergeant matapos akusahan ng panghihipo sa… Read more: PULIS SINIBAK SA PWESTO MATAPOS AKUSAHAN NG PANGHIPO NG ISANG BABAE
- OFFICIAL CLARIFICATION: DRUG-CLEARED BARANGAYS IN LUCENA CITY**** **** The Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 4A hereby clarifies the official status of the Lucena City… Read more: OFFICIAL CLARIFICATION: DRUG-CLEARED BARANGAYS IN LUCENA CITY

























Leave a Reply